Birhen ng Guadalupe

Birhen ng Guadalupe

Tuesday, May 28, 2013

Alaala sa Mahal na Birhen ng Guadalupe

Alalahanin mo, O mapagmahal na Birhen ng Guadalupe, na sa iyong pagpapakita sa burol ng Tepeyac ay nangakong ipakikita ang iyong awa sa lahat ng tao na, sa kanilang pagmamahal at pagtitiwala sa iyo, ay tumatawag sa iyo at humihingi ng tulong sa gitna ng kanilang mga pangangailangan at kahirapan.  Nangako kang didinggin ang aming mga hinaing, papawiin ang aming luha at bibigyan kami ng aliw at ginhawa.  Batid ng lahat na walang sinumang lumapit para hingin ang iyong tulong, kalinga at pamamagitan, maging para sa kabutihan ng lahat o para sa kalutasan ng sariling problema ang hindi pinagbigyan.

Dahil sa tiwalang ito, lumalapit kami sa iyo, O Maria, Birheng Ina ng tunay na Diyos! bagamat naghihinagpis sa bigat ng aming mga kasalanan, nagpapatirapa kami sa iyong harapan, natitiyak na tuptupin mo ang iyong pangako.  Kami'y puno ng pag-asa, na sa ilalim ng iyong kalinga at pangangalaga, walang sinumang gugulo sa amin; ni hindi kami dapat matakot sa anumang karamdaman o kasawiang-palad o kalungkutan.
minabuti mong manatili sa piling namin sa pamamagitan ng iyong kahanga-hangang larawan, ikaw na aming Ina, kalusugan namin at buhay namin.

Sa pagpapailalim namin sa iyong pangangalaga at sa pagkakaroon namin ng pribilehiyong dumulog sa iyo sa lahat ng aming pangangailangan, wala na kaming dapat gawin.  O Mahal na Ina ng Diyos, tanggapin mo ang aming mga kahilingan; sa awa mo'y dinggin kami at pagbigyan. Amen.  

Monday, May 28, 2012

Panalangin

Kabanal-banalang Birhen ng Guadalupe

Ina at Reyna ng aming bansa

Nagpapakumbaba po kami at nagpapatirapa sa harap ng inyong mapaghimalang larawan.

Sa inyo po namin inilalagay ang aming pag-asa.

Kayo po ang aming buhay at aliw.

Inilalagay po namin ang aming sarili sa ilalim ng inyong pangangalaga at makainang pagtingin, at wala kaming dapat ikatakot.

Tulungan mo po kami sa aming paglalakbay sa mundong ito, at mamagitan para sa amin sa harap ng inyong banal na anak sa oras ng aming kamatayan, upang makamtan namin ang buhay na walang hanggan.

AMEN.